History of Bulihan Soaring Eagles Ministry

 

The third youth leader of BSEM, whose name is Bro. Eliezer Togonon (younger brother of Pstr. Jo), was the instrumental for altering its name from formerly known as Bulihan Youth Ministry. It was during the last week of earnest preparation for the ministry’s 16th Year Youth Anniversary held on April 29, 2006 at our home church enclosed with a theme of “A Voice for Worship”. The annual service of the ministry has a little different set – up that time. It was semi – concert style praise and worship service but of course the Word of GOD can’t be departed because everything that we do and we’ll do should be for the glory of the LORD only

This was also the victorious farewell term or year of Bro. Jovito Salazar as the current youth leader that time despite so many trials, conflicts and discouragements happened between him and the young people upon the entrance of the year. Few months ago, right after the success of holding the anniversary which was around July, he called a forum where he manifested before all young people (who are mostly newly baptized in the name of our LORD Jesus Christ) his final conviction to call an election and through GOD’s will, set out a new youth leader. Bro. Jason dela Cruz was his vice president prior to that year. We really insisted that a call for an election is untimely. Sprouting GOD’s young spiritual brothers believed that more years of training and discipleship are still necessary before a transition of leadership takes place. We stood by it, that we need to grow more regarding the Word of GOD! Although most of us refused to pursue such plan of our beloved youth leader, the will of GOD is unrestraint and new sets of officers were elected to continue the spiritual legacies set by former youth leaders and members as examples for us

The fifth generation of young people from the “Church of the Firstborn”, which many from the congregation did not expect, has come into another blessed existence through GOD’s guidance and support. Sis. Helen Manila, former youth during Pstr. Jo’s leadership, also testified that she really thought that Bro. Jovit’s youth generation will be the last before the second coming of the LORD. However, it was a graceful work of GOD’s hand proving that His ways are not our ways, His thoughts are not our thoughts but thank GOD, it is written, we have the mind of Christ if we continue performing His will until the time is no more. Let’s continue to run the race predestined for us by GOD until the fullness of time comes

 
BSEM Officers (2006 - Present)

President: Bro. Teofilo M. Bajar
Vice President:Bro. Mark Alvin Lester C. dela Cruz
Auditor
: Bro. Mark Jason C. dela Cruz

Secretary: Sis. Ria May Acebuche
Treasurer
: Sis. Andrea Collantes


 

We have recovered the history about the early years of Bulihan Soaring Eagles Ministry with the following sequences as follows. It was by the courtesy of Sis. Rachel Salazar, the secretary of “The Capstone” (Church Newsette), being a part of GOD’s successful ministering during Bro. Jo’s leadership.

 

Kasaysayan ng Bulihan Youth Ministry

by Sis. Rachel Salazar

 

Ang papgpapala ng ating Panginoon ay hindi lamang Niya ibinubuhos sa mga nakakatanda sa isang Iglesia kundi higit lalo sa mga kabataan. Sa biyaya Niya ay limang (5) taon nang dumaranas ng maramimg pagpapala, makapangyarihang pagkilos ng Banal na Esipritu at maging mga kabiguan at mabibigat na pagsubok ang kabataan ng Bulihan Church. Narito ang isang paglalahad kung paano nagpasimula at nagpapatuloy ang Gawain ng Kabataan sa Lokal ng Bulihan.

Bago na man ganap na na-organize ang ministeryong pangkabataan ay nagpasimula na ang gawaing ito noon pang 1987, buwan ng Abril. Ang grupong ito na hindi bababa sa sampu at hindi dadami sa labin-limang mga teenagers ay nagpasimulang magsagawa ng Bible Study sa pangunguna ni Bro. Gamaliel Bungay. Ang unang lugar na pinagdadausan ng Gawain ay ang bahay ng isa nating kapatiran na si Sis. Luz Montemayor sa GMA at sinundan iyon ng marami pang pagtitipon sa bahay ng mga kapatiran. Maraming pagpapala ang ibinuhos ng Panginoon sa ministeryong ito at bilang bunga ay maraming kabataan ang ipinanganak na muli. Ang unang bautismong ginawa ay noong September 1987 na kung kailan ay sampung mga kabataan ang nagpalibing sa pangalan ng Panginoong Jesus Cristo. Ilan sa mga iyon ay ang butihing lider na si Bro. Jonathan Togonon, Sis. Rachel, Sis. Precy, Bro. Jessie, Sis. Gloria at marami pang iba. Bunga niyon, lalo nang aging aktibo ang mga kabataan sa paglilingkod sa tulong at suporta ng ating Pastor at ilang mga magulang.

Makalipas ang ilang buwan, isang mabigat na suliranin sa Iglesya ang naging daan upang si Bro. Gamaliel ay nawala sa Gawain. Bagama’t ito ay malaking kakulangan ang Gawain ay nagpatuloy na rin. Taong 1989 nang magdaos ng eleksiyon ang local church at nahirang bilang Chairman of Committee on Youth si Bro. Benny Villanueva, isang deacon sa church. Itinaguyod ni Bro. Benny ang pagtuturo sa mga young people na noon ay idinadaos na sa bagong kapilya sa Bulihan. Marami nang mga kabataan ang nadagdag sa Gawain gaya nina Sis. Fe, Sis. Amy, Bro. Romy, Bro. Roy, Sis. Zulneb, Bro. Micah, Sis. Cristina at Sis. Raby. Gayunma’y marami rin ang nangawala dahil sa kaabalahan sa trabaho at pag-aaral ng ilan.

UNANG TAON (1990 – 1991)

Sa isang kaingin na malapit sa ilog na pag – aari ng ating kapatid na si Joseph ay may nabuong isang planong magpahanggang ngayon ay nagkakaroon ng katuparan. Nagkasundo sina Bro. Jonathan, Bro. Boyet at Bro. Joseph na isaayos ang Gawain ng Kabataan. Ang napiling lider ay si Bro. Jo at Bro. Boyet. Kasabay ng dedication ng church building noong Abril 1990 ay ang pagho-host ng unang Youth Convention na kung saan ay dinaluhan ng maraming Kabataan mula sa sa iba’t ibang panig ng Luzon. Bagama’t maraming kabataan ang na convert, marami rin naman ang nanghina at hindi na dumalo sa gawaing tulad nito. Subalit nagbibigay ang Panginoon ng paalala sa mga nakakalimot sa Kanya. Sinong mag-aakala na ang malakas na lindol noong July 1990 ang gigising sa mga kabataang nangatutulog sa labas ng Gawain? Ilang mga young people ang nag – confess ng kanilang pagkatakot na naging daan upang muli silang manumbalik sa Pannginoon. Ilang araw matapos ang lindol na iyon sa bahay ng Escader Family ay nagkaroon sila ng follow-up gathering at nadama nila ang kakaibang pagkilos ng Diyos ng gabing iyon. Doon nila naipasya na magkaroon ng prayer devotion ng mga kabataan na gaganapin sa bahay – bahay ng mga kapatiran at ito ay pinasimulan agad sa araw ng Biyernes. Hindi naging ningas – cogon ang gawaing ito sapagkat magpahanggang ngayon ay nanatili pa rin ito sa biyaya ng Diyos na maging ang ilang matatanda ay nagaganyak sumama dahil sa malakas na kilos ng Diyos at tunay na mabunga ang Gawain.

Ang ginaganap na Youth Meeting tuwing linggo ng hapon ay pansamantalang natigil nang magkaroon ng lingguhang Bible Study sa bahay ng isa nating kapatid, Bro. Bernie Bernal, subalit hindi rin ito nagtagal sanhi ng ilang kadahilanan. Nang magkagayo’y naibalik ang Sunday Afternoon Youth Meeting/Fellowship sa Church. Ito ay unang taon pa lamang ng Bulihan Youth Ministry ngunit sadyang kinasihan na ng Panginoon ang kanilang pagpapasimula.

IKALAWANG TAON (1991 - 1992)

Masasabing ito ang pinakamalungkot na taon para sa mga Kabataan ng Bulihan dahil sa maraming pagsubok at kaguluhan na kanilang dinanas.

Sa mga taong ito na – involved ang isang kapatid (Bro. Jaro) sa Youth Ministry na tumayo din bilang isang adviser. Dahil sa may talento siya sa musika, ito’y naging paraan upang magkaroon ng Voice Lesson ang mga kabataan. Naging active sila sa paghahandog ng choir sa mga joint fellowship.

Buwan ng September 1991, nabuksan ang Sunday School for Children sa pangunguna ni Bro. Jaro, Bro. Joey at Sis. Amy. Nag – enjoy ang maraming bata noon dahil sa maraming activities. Ito’y isa na namang bunga ng kasipagan ng mga kabataan.

Pagsapit ng December, ginanap ng mga kabataan ang unang year – end thanksgiving. Masaya nilang idinaos ang okasyong iyon kasabay ng pagbibigay ng mga medalya sa mga kabataang maganda ang naging performance sa taong iyon. Subalit hindi maganda ang naging epekto nito. Hindi nagustuhan ng kanilang Pastor at ilang mga magulang ang pagbibigay ng mga medalya. Dito nagpasimula ang maraming pagtutol sa pagpapatuloy ng Gawain ng mga kabataan. Si Bro. Boyet, Vice Chairman ng Bulihan Youth Ministry ay nagsuggest na itigil na ang gawaing ito na sinang – ayunan naman ng kanilang Pastor. Nagkaroon din ng malaking kaguluhan sa pagitan ng adviser na si Bro. Jaro at ng mga kabataan na naging sanhi ng pagtalikod nito sa Gawain. Dagdag pa rito, ilan sa mga kabataang babae ay nagkaroon ng mga tampuhan sa kapwa nila kabataan sanhi ng iba’t ibang kadahilanan. Maging ang mga magulang ay nagbigay ng kanilang negative comments tungkol sa ministry. Isang mabigat na pasanin ang naatang sa balikat ng kanilang lider, Bro. Jo. Nasa kalagitnaan siya ng desisyong ipatigil ang Gawain o ipagpatuloy. Dahil dito ay nagkaroon sila ng open forum upang hingin ang desisyon ng bawat isa. Naging daan ito upang magkaroon ng confessions ang bawat isa. Sa pagkakataong ito’y na – realize ng bawat isa na kaaway ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhang ito at hindi siya nagtagumpay! Natapos ang mga tampuhan na matagal nang namayani sa kanilang kalagitnaan at nanumbalik ang pag – ibig sa isa’t isa. Nabuong muli ang gawaing ito at kanilang idinaos ang selebrasyon ng kanilang Second Anniversary noong March 1992.

IKATLONG TAON (1992 – 1993)

Lagi nating naririnig ang kasabihang pagkatapos ng pagsubok ay darating ang pagpapala. Naging totoo ito para sa mga Kabataan ng Bulihan. Matapos ang muntik nang pagtigil ng Gawain ay dumating naman ang maraming pagpapala. Naging involved sa Gawain ng kabataan ang ilang mas may gulang na sisters gaya ni Sis. Amy Canuel at Sis. Helen na bagama’t may pamilya na’y naglalaan pa ng panahon para suportahan ang gawaing ito.

Sa taong ding ito nag – manifest ang maraming gifts sa mga Kabataan gaya ng dreams, tongues at visions bilang vindications ng Panginoon na ang ministeryong ito ay kanyang kinalulugdan. Una, sa isang prayer devotion na ginanap sa tahanan nina Sis. Greta, nagkaroon ng vision si Sis. Cristina Villanueva: habang nananalangin ang mga kabataan ay nakita niya ang isang ginintuang lubid na nakatali sa lahat ng naroon at may nakasulat na LOVE. Hindi matanggihan Ang pangitaing ito sapagkat noon pa man sa kabila ng mga pagsubok ay nabigkis na sila ng kakaibang pag – ibig na walang iba kundi ang Divine Love. Ito rin ang dahilan kung bakit ang kanilang pag – uusap tungkol sa Salita ng Panginoon ay walang kasing – sarap na halos ayaw na nilang maghiwa – hiwalay kapag nagkikita – kita. Isa pang vision ang nakita naman ni Sis. Rowena: Habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang Bible Study sa isang Sunday Afternoon Youth Ministry ay nakita ng Sister na ito na ang mga Kabataan ay may mga anghel sa kanilang tabi. Kasabay nito’y nakita naman ni Sis. Helen ang isang kumot na puti na nakabalot sa lahat ng Kabataan. Si Sis. Fe naman ay may panaginip na kung saan ay nakita niya ang nakapilang mga Kabataan ng Bulihan na nararamtan ng puting kasuotan. Sa isa namang prayer devotion ay nakita ni Sis. Cynthia, habang nasa kainitan ng panalangin, ang apoy na nagliliyab sa kanilang kalagitnaan at may isang anyo ng lalaki sa gitna at napakaliwanag ng buong paligid. Ang account naman ni Bro. Joey sa parehong okasyong ito ay may humawak na malambot na kamay sa kanyang kamay na nakataas at nadama niyang ang Panginoon ito. Marami pang mga gawa ng Panginoon ang nakita ng mga Kabataan kasama na rito ang tongues, prophecy at interpretations na ang ginagamit ay ang mga kapatid na katulad nina Sisters Helen at Amy. Hindi maipahayag ng mga kabataan ang kanilang labis na pasasalamat dahil sa mga bungang nabanggit. Nagsilbi ang mga ito upang lalo pa silang maging aktibo sa Gawain mg Panginoon.

Kasama sa mga activities sa taong ito ay ang year – end thanksgiving, overnight service ang ginanap noong New Year’s Eve ng 1992 at ang Third Anniversary na ginanap sa Tagaytay City Picnic Groove noong April 2 and 3, 1993.

IKAAPAT NA TAON (1993 – 1994)

Patuloy pa ring gumawa ang Diyos ng maraming himala sa mga kabataan. Ilang mga kabataang lalaki gaya nina Bro. Micah, Bro. Buboy, Bro. Jon-Jon, Bro. Joel Bajar, Bro. Joel Togonon na dati’y mahiyain, ang naging matatapang nang tumayo bilang song leaders, emcee at marami pang tungkulin sa loob at labas ng kapilya. Marami rin sa mga kabataan ang nahalal sa mga tungkulin bilang elder, trustee at miyembro ng iba’t ibang committee.

Noong August 1993 ay nasimulan ang matagal nang pinangarap ng mga Youth Leaders na monthly convention. Ang unang convention ay naganap sa taong ito na idinaos sa Golden City, Carmona Cavite. Dinaluhan ito ng maraming kabataan mula sa Paranaque, Cavite at Laguna. Ang mga sumunod pang gawaing tulad nito ay lalong nagbigay ng kasiyahan sa mga kabataan ng Bulihan. Hindi lamang dahil sa pagkikita – kita ng maraming kabataan mula sa iba’t ibang churches kunid dahil sa Salita ng Diyos na ibinabahagi ng mga Pastors na galing pa sa iba’t ibang chuches sa Metro Manila.

Isang malungkot na pangyayari ang naganap noong Oktubre 1993. Ang isang aktibong gitarista, si Bro. Jessie na kapatid ni Bro. Jo ay binawian ng buhay. Malaking kawalan ang kanyang pagyao sapagkat isa siyang mahalagang bahagi ng church. Subalit hindi ito naging dahilan upang panghinaan ng loob ang mga kabataan kundi lalo pang naging matibay ang mga ito na harapin ang mga pagsubok na maaaring ilagay ng kaaway sa kanilang harapan.

Bago matapos ang taong 1993 ay napasimulan ang construction ng church building na kung saan ay maraming kabataang lalaki rin ang nakipagbayanihan. Sadyang pinagsunod – sunod ng Panginoon ang mga pangyayari, sapagkat nang matapos ang construction ay siya naming pagdating ng bagong mga musical instruments gaya ng drum, electric guitars at organ na lalong naghatid ng kasiyahan sa mga kabataan. Isang proyekto ng mga working youths ang Yamaha PSK 300 na kung saan ay binabayaran nila ng maluwag sa kanilang puso, buwan – buwan.

Ang lahat ng mga pagpapalang materyal na ito ay kasama sa kanilang pinasalamatan nang ganapin nila ang ikatlong Thanksgiving Day noong December 1993. Matapos iyon ay nagsagawa muli sila ng New Year’s Eve overnight service.

Lalo pang naging malapit sa isa’t isa ang mga Kabataang ito at naghari sa kanila ang pag-ibig na kailanma’y hindi mapapantayan. Noong March 14, 1994, idinaos ang 4th Year anniversary ng mga kabataan. Ito’y simpleng gathering lamang na ang theme ay “Parent – Youth Partnership”. Kasamang nakisaya ang mga magulang ng bawat isa. Isang larawan ng mga luhaang kabataan ang makikita nang araw na iyon habang ang kanilang mga magulang ay nagbigay ng kanilang mga payo at encouragements.

IKALIMANG TAON (1994 – 1995)

Ang paglago ng mga Kabataan sa Bulihan ay sadyang hindi mapigilan. Karamihan sa mga estudyante ng Sunday School noong nakalipas na mga taon ay bahagi na rin sa youth. Dito nagpasimulang hatiin sa dalawang grupo ang mga kabataan – ang Juniors at ang Seniors. Ang Juniors ay binubuo ng mga kabataang 13 hanngang 15 taong gulang, samantalang ang mga Seniors ay mula sa 16 pataas. Maraming mga juniors ang nabautismuhan at ipinanganak na muli na naging inspirasyon naman ng mga Seniors upang lalo silang magsumikap sa paglilingkod bilang modelo ng mga nakakabata.

Sa taong ding ito natupad ang matagal nang pangarap ng ng mga kabataan, ang church newsletter na pinangalanang The Capstone. Maraming kabataan ang naging involved ditto at marami rin naming kaluluwa ang tumanggap ng pagpapalang espiritwal sa mga nabasa nilang tula at ibang pang artikulo.

Bagama’t maraming kabataan ang nagkaroon ng kani – kanilang hanapbuhay, hindi ito nakapigil sa mga kabataang lalaki upang lalong magamit sa mga Gawain. Maging sa mga outreaches ay nakibahagi rin ang mga kabataang ito. Upang lalo silang maging handa ay nag – organize ang kanilang lider na magkaroon ng training session sa mga kalalakihan. Bunga nito ay natuto na ring tumayo sa harapan maging ang mga Juniors na kalalakihan. Ilang mga kababaihan naman ang naging abala sa Sunday School for Children. Ito’y ilan lamang sa mga bunga ng panalangin at kasipagan din naman ng maraming kabataan. Kailan lamang ay Masaya nilang idinaos ang kanilang 5th Year Anniversary sa Tagaytay City.

Tunay na hindi nagkulang ang Panginoon sa mga kabataang ito ng Bulihan. Nanatili itong nakatayo sa kabila ng bagyong dumating sa kanila. Isa lamang ang dahilan: Ang pundasyon nito ay ang Salita ng Diyos at ang Divne Love na patuloy na nagma – manifest sa kanilang kalagitnaan.